Kinabukasan Balita

Huwag mag-uniporme

“School uniforms encourage discipline but amplifies inter-school rivalry.”

Anonymous

Nitong mga nagdaang araw, uminit ang usapan sa isyu na hindi na kinakailangang magsuot ng uniporme sa paaralan ang mga mag-aaral para sa darating na pasukan.

Sa naging mensahe kasi sa Viber ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte na ang hakbang ay layong mapagaan ang pinansiyal na pasanin sa mga pamilya ng mga mag-aaral sa gitna ng pandemic.

Iginiit ni Duterte na mas magiging konsiderasyon ito ng DepEd habang patuloy na kinakaharap ng bansa ang coronavirus pandemic gayundin ang inflationary pressure.

“Hindi mahigpit na kinakailangan para sa mga pampublikong paaralan na magsuot ng uniporme upang maiwasan ang karagdagang gastos sa mga pamilya ng ating mga mag-aaral. Lalo na’t hindi na ito kakailanganin ngayong School Year dahil sa tumataas na presyo at pagkalugi sa ekonomiya dahil sa pandemya,” paliwanag ni Duterte.

Sari-sari ang mga naging opinyon ng publiko. Mayroong pabor at mayroon namang hindi sang-ayon.

Mas makakatipid daw ang pagsusuot ng uniporme ng mag-aaral dahil maaaring ulitin. Maiiwasan din aniya ang pagkutya o diskriminasyon ng mga ‘bully’ sa mahihirap na mag-aaral na wala ring pambili ng damit.

Dalawang researcher mula sa University of Nevada, Reno College of Education ang nag-aral ng mga opinyon ng mga mag-aaral sa tatlong middle schools sa Washoe County School District sa Northern Nevada noong unang taon na pagpapatupad ng uniporme sa mga paaralan.

Ang ‘bodabil’ ng SONA

Bagong Kongreso

Literacy at numeracy sa K to 3 kailangang tutukan

Bagama’t 90 porsiyento ng mga mag-aaral ay nagpahiwatig na hindi nila gusto ang pagsusuot ng uniporme, iba’t ibang benepisyo sa pagsusuot ng uniporme ang iniulat.

Kabilang dito ang pagbaba sa disiplina, pagkakasangkot ng gang at pambu-bully; at pagtaas ng kaligtasan, madaling pag-aaral, kumpiyansa at pagpapahalaga sa sarili.

Pero ang kautusang ito ay matagal nang nakapaloob sa DepEd Order (DO) No. 065, s. 2010.

Sinasaad na, “Ang pagsusuot ng uniporme ng paaralan ay hindi kinakailangan sa mga pampublikong paaralan. Ang mga mag-aaral na may umiiral nang uniporme ay maaaring magpatuloy sa paggamit ng mga uniporme na ito, kung gusto nila, upang maiwasan ang pagkakaroon ng karagdagang gastos para sa mga bagong kasuotan.”

Ang kautusan ay may lagda ni dating DepEd Sec Mona D. Valisno.

Naalala ko noong nagsisimula akong mag-aral. Laki ako ng public school at masuwerteng namamana ko ang mga uniporme ng aking mga pinsan. Kaya malaking tulong ito sa aking magulang na kapos para makabili ng bagong uniporme.

Sa ngayon, iniiwan na sa mag-aaral ang diskarte tungkol sa pagsusuot ng uniporme. Ang mahalaga ay magpatuloy ang kanilang edukasyon.

Walang Personalan.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!