Kinabukasan Balita

Humilata sa riles: Senior Citizen nagutay sa tren

Nalasog ang katawan ng isang lalaking senior citizen matapos araruhin ng tren makaraang humilata mismo umano ang biktima sa riles at tiniyempuhang paparating ang tren ng Philippine National Railway (PNR) sa Lucena City.

Kinilala ang biktimang si Noel delos Santos, 62-anyos at residente sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City.

Ayon kay Lt. Col. Reynaldo Reyes, hepe ng Lucena Police Station, dakong ala-1:35 ng hapon nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Sa report, batay na rin sa pahayag ng ilang saksi, bago ang insidente ay nakita pa nilang nakatayo ang 62-anyos na biktima sa gilid ng isang tindahan sa tabi ng riles.

Bangka lumubog sa Bahamas, 17 todas

P2.4M tsongke bistado sa Padala System modus

Hacker nambudol sa FB, arestado

Nang mamataan na ng lolo ang papalapit na tren patungong San Pablo City ay bigla na lamang siyang humiga sa bakal ng riles.

Pagdaan ng tren ay dito na nadurog at nagkahiwa-hiwalay ang katawan ng biktima na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Inaalam na ng mga awtoridad kung aksidente ang pangyayari o kung totoong sinadya ng biktimang magpapasagasa sa tren.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!