Kinabukasan Balita

House Bill 611 ni Rep. Arnolfo Teves Jr., hindi nagustuhan ng netizens?

Tila hindi nagustuhan ng mga netizen ang inihaing panukalang batas ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. na House Bill 611 para ideklara ang ‘ghosting” bilang emotional offense. 

Si Teves din ang may-akda ng isang panukalang batas na palitan ang pangalan ng “Ninoy Aquino International Airport” at gawing “Ferdinand E. Marcos International Airport.”

Sa isang panayam, iginiit ni Teves na walang bahid-politikal ang kaniyang ginawa. Nais lang aniyang mabigyan ng kredito si dating Pangulong Marcos Sr. sa pagpapaganda ng paliparan. Aniya, napagtanto niyang wala na raw bisa ang EDSA People Power I dahil sa pagkapanalo ni PBBM sa halalan.

“Ngayon ko lang na-realize na wala nang bisa ‘yung EDSA because if EDSA still had bisa, then the ones na pabor doon sa EDSA, sila sana ang nanalo. Bakit si BBM nanalo? Sila pa yung kalaban noong EDSA,” ani Teves.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/07/palit-pangalan-ng-naia-teves-gustong-ipa-realize-kung-gaano-kagaling-na-presidente-si-marcos-sr/

Sa comment section ng post ng Manila Bulletin, makikita ang mga komento ng mga netizen na tila dismayado at hindi nagustuhan ang nasabing panukalang batas tungkol sa “ghosting.”

“May batas na para sa mga multo pag nagkataon. Makabawi din kami mga aswang kayo.”

“Daming time gumawa ng walang kwentang batas.”

“I now believe that some of our politicians are really stupid!?”

“Its not funny knowing the budget we allocate to this kind of lawmakers. By the way marami pa sila…”

“Are you really okay, Rep. Teves? #facepalm People!!! Did you really vote for this man to be your legislator?!!!!”

“Ang gandang solusyon nyan sa mga pinoy na naghihikahos na sa taas ng bilihin”

“Pa relevant kuno, irrelevant naman mga filed resolutions”

“How about a bill for harsher punishment for those who mistreat security guards and other public servants”

“Dapat pati yung naninigaw at namamahiya ng gwardia gawin ding emotional offense”

“Ewan itong tao na to. Kung ano ano ang pumapasok na kabalaghan sa utak nya.Una yng NAIA palitan daw ng FEM. at heto na naman.”

“ikinahihiya sya ng buong negros island pati mga kamaganak nya siguro? weak leader parang Yung nasa malaçañang”

“Please…. Think a bill that is something more beneficial for the community and not for those who are kiti kiting mga tao.”

“And ba yang batas na yan..susunod naman ipagbawal ang pag utot ng malakas..”

“Sayang lang ang boto dyan sa taong yan!? Grabe daming problema na dapat unahin?!”

Samantala, trending topic sa Twitter ang House Bill 611 at nagbigay rin ng reaksyon ang mga netizen ukol dito.

“Read House Bill 611, and you will notice that there are no penalties stated, if ever the person is found to have committed an emotional offense. To Arnolfo Teves Jr. : Are you seriously prioritizing Ghosting over more relevant matters? Stop wasting our taxes.”

“we have more certain issues that needs of attention and focus then there’s house bill 611? omg?”

“Kahit ilang beses akong na ghost hindi ako papabor sa House Bill 611 na to. Ang daming problemang kailangan unahin. Ano na Pilipinas? Kaya pa ba?”

“Seryso ba kayo sa position niyo?, Kase kapag hindi mag resign na po kayo. Ang saya maging pilipino.”

“stupidity at its finest: house bill 611. that’s it. that’s the tweet. bibingo na talaga tong house rep na ’to eh. bwct af simula nung pinropose niya na i-rename ang naia.”

“FOR REAL? HOUSE BILL 611? MAKUKULONG KA SA KADAHILANANG NANG GHOST KA. OKAY ONLY IN THE PHILIPPINE CONGRESS”

“House bill 611 be like “Anong kaso mo?” “GHOSTING Pre.”

Matatandaan na minsan na ring nagka-iringan sina Teves at Ben Tulfo noong Marso. Nag-ugat ito sa isang episode ng programa ni Tulfo na “Bitag” noong Marso 21 kung saan nagreklamo ang security guard na si Jomar Pajares dahil sa umano’y pambubugbog at pagbabantang babarilin siya ng anak ni Teves na si Kurt Matthew Teves, Board Member ng Negros Oriental, noong Marso 16 sa Parañaque City.

Basahin ang buong kuwento: https://balita.net.ph/2022/03/26/full-transcript-ben-tulfo-at-arnie-teves-nagkapikunan-nauwi-sa-hamunan/

Part 2: https://balita.net.ph/2022/03/26/rep-teves-muling-naghamon-ben-tulfo-bumuwelta-rin/

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!