Kinabukasan Balita

Herlene umamin: Dati parang pariwara lang ako, ngayon may nagkokontrol na sa kung ano at hindi ko dapat gawin

NAGSALITA na ang Kapuso comedienne na si Herlene Nicole Budol tungkol sa mga akusasyon sa kanya ng mga bashers at haters sa social media.

Kumalat kasi ang chika na kesyo yumabang, umangas at naging choosy na sa mga projects ang TV host-actress matapos sumali sa Binibining Pilipinas 2022 at magkaroon ng mga product endorsements.

“Hindi naman nabago yung ugali ko. Kumbaga, ang dami daw taong nakakapansin na nagbago daw ako, na choosy na daw ako masyado, pero hindi po.

“Siyempre may mga taong nag-aalaga na rin sa akin, hindi na sa akin lang nanggagaling yung mga desisyon,” paliwanag ng dalaga sa kanyang contract signing at mediacon ng Rejuviant Premium Cocoberry Bodywash and Premium Cocoberry Instaglow Lotion.

Patuloy pa niya, “Eh, siyempre dati parang pariwara lang ako. ‘Sige, okey lang ako pare,’ ganun lang ako noon. Eh, ngayon meron ng nagkokontrol sa kung ano at hindi ko dapat gawin sa buhay ko.

“Walang makakapagpabago ng ugali ng tao, hindi pera. Nasa mind set yan tsaka sa mga taong nakapaligid.

“Actually ngayon mas na-appreciate ko yung mga dumadating sa akin na mga blessings ngayon,” mariing sabi pa ni Hipon Girl.

Nauna rito, nagsalita rin ang talent manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino hinggil sa isyung ito na nagsimula lamang sa isang blind item.

“Sure ako si Herlene ‘Hipon’ Budol ang tinutukoy.  During nag-i-inquire po sila hindi pa nakapag-sign ng contract sa Binibining Pilipinas ang artist.

“Siyempre bilang manager obligasyon ko protektahan ang artist ko dahil may tamang proseso at kinakailangan dumaan eto sa organisasyon ng BBP,” paliwanag ni Wilbert.

“Kapag sinabing ipag paalam kailangan pala, eh, write up na? Di ba in good relation naman ako sa lahat?” aniya pa.

Samantala, sa punto raw ng buhay niya ngayon, “Wala na akong wini-wish. Gusto ko talaga pang pamilya pa din. Para sa akin ano, eh, kung ano na lang ang ibigay, kaya nga God’s will, eh.

“Ayokong manghingi, eh. Ako yung taong hindi palahingi. Ako yung taong kung ibibigay, iibigay. Pero favorite daw ni Lord yung manghihingi ka pero para sa akin hindi eh.

“Kasi yung yung mga hiningi ko hindi naman binigay, eh, pero may mga tamang plano siya para sa atin na mas ikagaganda ng buhay natin, so ba’t ka manghihingi? Eh, di Lord sa ‘yo na ‘to, buong buhay ko sinusurender ko na sa ‘yo,” sabi pa niya.

“Ay, meron pala akong wish, sana good health para sa buong pamilya ko. Sana walang magkasakit,” aniya.

Related Chika:
Janella sa isyung hiwalay na sila ni Markus: Respect our privacy muna but we’re okay

Herlene Budol sasabak sa international pageant kahit hindi nanalo sa Bb. Pilipinas 2022: Bobo man sa inyong paningin, pero para sa akin…

Vice umaming pumurol sa pagpapatawa: Ito ‘yung effect sa akin ng ‘pagkakakulong’ ko

Toni Fowler sinabihang ipalaglag ang kanyang baby: Iyak ako nang iyak tapos itinakwil nila akong lahat…

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!