Kinabukasan Balita

Heart natsitsismis sa gwapong Italian guy, pero hirit ng netizens: Hindi kami naniniwalang lolokohin niya si Chiz!

Heart Evangelista at Chiz Escudero

HANGGANG ngayon ay abangers pa rin ang sambayanang Filipino lalo na ang mga “Marites” sa pag-amin o pagdedenay nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa chikang hiwalay na sila.

Wala pa rin kasing inilalabas na official statement ang celebrity couple tungkol sa umano’y pagkawasak ng kanilang married life after ng ilang taong pagsasama.

Kung anu-ano na nga ang lumalabas na dahilan ng kanilang breakup kabilang na nga ang umano’y pagkakaroon ng third party at ang tsismis na nakabuntis daw si Chiz.

May isa kaming source na nagsabing totoo nga raw na naghiwalay na ang mag-asawa at naghihintay lang ang Kapuso actress at fashion icon ng tamang pagkakataon para magsalita sa harap ng publiko.

Pero sabi ng aming kausap, may posibilidad pa rin namang magkabalikan sina Chiz at Heart kapag nabigyan ng chance na makapag-usap nang masinsinan. Magandang senyales din daw na hindi pa nagsasalita ang mag-asawa hinggil sa kanilang pagsasama.

Samantala, naging hot topic naman ngayong araw sa social media ang naging laman ng chikahan sa public service program ng AM station na DzRH tungkol kay Heart at isang Italian guy.

“Naku, ayaw ni Senator Chiz Escudero ng ganyan,” ang pabitong chika ng veteran broadcaster na si Deo Macalma, na siya ring Vice President and Station Manager ng naturang istasyon.

Kalat na ngayon ang isang video clip kung saan mapapanood ang usapan nina Deo Macalma at co-host niyang si Sister L about Heart and Chiz.

“Lakay ano na naman yan? May bubwit ka na, may Marites ka pa?!” ang dialogur ni Sister L.

Tugon naman ni Deo, “May Marites tayong bubwit. Ewan ko ba kung apple of the eye ni Heart o siya ang apple of the heart ng foreigner na yan?”

“O, ngayon napatunganga ka!?” baling ni Deo sa kanyang co-host. “Marites yan pero yung Italyano guwapo raw!”

Sumang-ayon naman agad dito si Sister L, “Yes!”

Tanong uli ni Deo, “Mas guwapo ba kay Piolo Pascual yan?” Na sinagot ni Sister L ng, “Mas guwapo. Guwapo siya lakay. Model ang dating.”

Kung kami ang tatanungin, hindi kami naniniwala na may karelasyong bago si Heart sa gitna ng kontrobersyal na chikang break na sila ni Chiz.

E, kasi nga, kung iisiping mabuti, parang si Heart ang super affected sa estado ng relasyon nila ni Chiz base na rin sa naging pag-amin niya tungkol sa personal niyang pinagdaraanan sa buhay.

Sure kami na maraming lalaking umaali-aligid kay Heart kahit pa may asawa na siya pero naniniwala kami na hindi ang Kapuso actress at fashion icon ang nagloko at nanlalaki sakaling totoo ngang hiwalay na sila ni Chiz.

May mga nabasa rin kaming comments na nagsabing hindi rin sila kumbinsido na may relasyon nga si Heart sa nasabing Italian guy. Nais lamang daw sigurong ilihis ng ilang supporters ni Chiz ang tunay na issue.

Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?

Heart talagang naghanap ng lalaking mas matanda sa kanya; Chiz may tips para makaiwas sa toxic na kapamilya

Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?

#SaTamangPanahon: Paano nga ba nagkabati ang mga magulang ni Heart at si Chiz?

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!