Kinabukasan Balita

Heart, Chiz pinagdudahang hiwalay na

May pinagdadaanan daw ba ngayon si Heart Evangelista?

Dahil nga sa tweet ni Heart na “Lord” na may umiiyak na icon, nag-isip ang mga netizen.

May mga nag-akala na maghihiwalay sila ni Sen. Chiz Escudero? Kaya may mensahe ang iba na, “Give your family esp Chiz the priority.”

Umaga ng July 27 ang tweet ni Heart, kaya posibleng ang malakas na lindol ang dahilan ng tweet niya.

‘Maid In Malacanang’ binangga ni Vince

Babanggain ng pelikulang Katips ang Maid In Malacanang sa mga sinehan sa August 3.

Pikit-mata pero palaban ang naging desisyon ng film producer, aktor na si Vince Tanada.

Sabi ni Vince, hindi na kailangan pang maghanap ng pelikula si direk Joel Lamangan na pantapat sa “Maid In Malacanang” dahil nandiyan nga raw ang movie nila.

Paninindigan ni Vince na hindi fictional o tsismis lang ang kuwento ng pelikula nila dahil totoong karanasan niya at ng pamilya niya ito noong Martial Law.

Maraming pasabog si Vince gaya ng patutsada niyang “hard earned” ang pinang-produce niya ng pelikula at hindi pera ng bayan. Nauna na ngang sinabi ni Direk Joel na pera raw ng bayan ang ginastos sa Maid In Malaanang.

Ang Katips ay musical film na tumatalakay sa karahasan noong Martial Law.

Lala nagulat sa MTRCB

Hindi magiging kaaway, kundi magiging kaibigan. Yan ang intensyon ng bagong head ng MTRCB na si Lala Sotto.

Sa kuwentuhan kay Lala, nais daw niyang tulungan ang film, TV industry na mapalakas muli ang appeal sa viewers, lalo at ngayon pa lang bumabangon ang entertainment industry dahil sa pandemya.

Nasayang kasal, bahay: Barbie umaming nakatikim ng ‘sakit’…

Julia, Claudia matindi tampo kay Dennis

Billy sasabak sa France dance contest

Hindi pa niya matukoy ang mga pagbabago sa kanyang pamumuno dahil nasa proseso pa sila ng pagu-usap ng mga board member ng ahensya at ng dating chairman.

Wala pang kongkretong plano si Lala sa mga reklamo sa mga online streaming networks na nagpapalabas ng mga pelikula at serye na may maseselang content, pero ayon sa kanya ay bukas siya sa pakikipag-usap sa mga ito.

Si Chair Lala ay anak nina Tito Sotto, Helen Gamboa. Kapatid niya sina Ciara Sotto, QC Vice Mayor Gian Sotto.

Matagal siyang nanungkulan bilang konsehal ng Kyusi.

Pag-amin ni Lala nagulat siya sa pagkakapili sa kanya sa MTRCB.

Nakatanggap na lang daw siya ng tawag para manumpa sa posisyon.

Jerome tumangging makipaghalikan kay Nicole

Maisusumpa ni Jerome Ponce ang direktor na si Vince Tanada, dahil sa kuwento nito na tumanggi siya na makipaghalikan sa co-star niya sa Katips. At dahil ‘yon sa dyowa niyang si Sachzna Laparan.

Sabi nataranta si Jerome nang umangal si Sachzna sa mga kissing scene niya kay Nicole Laurel-Asensio, na apo ni former Vice President Doy Laurel.

Tawag daw nang tawag si Sachzna kay Jerome sa shooting, para pigilan ang mga susunod pang kissing scene.

[email protected]$tangna! Ito pang babae (Nicole) ang walang reklamo sa kissing scene. First time pa sa pelikula!” sabi ni Vince.

Dapat daw kasi, may eksena sina Jerome at Nicole na bawat linya ng kanilang kanta ay maghahalikan sila.

Wala si Jerome sa pressscon para sumagot.

Pero, siguradong mag-aaway sina Jerome at Sachzna dahil sa mga itinagong kissing scene niya kay Nicole.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!