Kinabukasan Balita

Hannah, Julianne pasiklab sa Thailand

SUMAGWAN ng gintong medalya ang tambalan nina Alyssa Hannah Go at Kharl Julianne Sha sa women’s lightweight double sculls (1000m), habang kinuha naman ni Southeast Asian Games runner-up Christian Joseph Jasmin ang isang silver medal sa 20th ASEAN University Games sa Bangkok, Thailand.

Hindi na ito ang unang pagkakataon na nagsama sina Go at Sha sa isang koponan kasunod ng bronze medal performance sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa women’s quadruple sculls, na kasama sina Joanie Delgaco at Feiza Jane Lenton noong nagdaang Mayo.

Sunshine may tsansa sa titulo

IBO champ Dave balik bansa na

Quezada, Filipinas tuloy sa paghahasa

Hinigitan ng national team members na sina Go, mula Ateneo de Manila, at Sha, na estudyante ng University of the Philippines, ang samahan nina Phuetthonglang Jirakon at Nunchai Nattariwan ng Thailand.

Nakuntento naman si Hanoi meet lightweight double sculls silver medalists Jasmin sa men’s lightweight single sculls (1000m) ng higitan ni Norhadi Mohamad Amirul ng Malaysia. (Gerard Arce)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!