Kinabukasan Balita

Gilas sesentro kay Clarkson

NAIS ni NBA Sixth Man of the Year at Utah Jazz player Jordan Clarkson na makapag-ensasyo agad para sa Gilas Pilipinas kasama ang iba pang miyembro para sa nalalapit na pagsabak sa FIBA Window.

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na nakatakdang dumating si Clarkson sa Agosto 15 para makasama sa scrimmage ng pambansang koponan sa paghahanda para sa susunod na window ng FIBA World Cup Asia Qualifiers.

Ipinaliwanag ni Reyes na ang Gilas ay nasa proseso na pagbuo sa koponan na nakatuon sa paligid ni Clarkson matapos itong mangako na maglalaro para sa pambansang koponan sa World Cup Qualifiers laban sa Lebanon at Saudi Arabia sa susunod na buwan.

“He has made himself available. He said he can come in and practice starting August 15,” sabi ni Reyes.

Tenorio, Gin Kings tigok ‘pag kumurap

Adebayo ayaw itapon ng Heat

Draymond hihirit ng max contract

Gayunpaman, nagbabala si Reyes na si Clarkson na naglaro para sa Gilas noong 2018, ay hindi magiging 100 porsiyentong sigurado “hanggang siya ay narito.”

“We cannot really be a hundred percent. But right now, we are planning with him in the line-up. We are putting together a line-up with Jordan Clarkson part of the line-up,” sabi nito.

Kung matutuloy ang biyahe, ang mga laro ng Pilipinas laban sa Lebanon sa Agosto 25 at laban sa Saudi Arabia sa Agosto 29 ang magiging una ng Utah Jazz guard sa Gilas mula noong 2018 Asian Games sa Jakarta. (Lito Oredo)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!