Kinabukasan Balita

Gerald nag-fan boy moment kay Roger Federer

Nasa Switzerland pa rin sina Gerald Anderson, Kylie Padilla para sa shooting nila ng ‘Unravel’ na prodyus ng Mavx Productions Inc.

Kaya bukod sa ini-enjoy nila ang napakagandang lugar, na halos lahat yata ng mga Pinoy na nakapanood ng ‘Crash Landing On You’ ay nangangarap makapunta roon, may mga pagkakataon na nakaka-jackpot ka pa na makakasalubong mo na lang ang idolo mo.

Tulad nga ni Gerald, na super nag-fan boy moment with Roger Federer, ang sikat na tennis player, ha!

Hindi talaga pinalampas ni Gerald ang pagkakataon na makapagpa-picture kay Federer, at pinost nga `yon sa Instagram.

‘Madali siyang mahalin’ Heaven palaban sa lampungan kay Ian

Marian aagawin korona nina Andrea, Sanya sa TikTok

Garrett Bolden bibida sa ‘Miss Saigon’

Kaya naman super inggit ang mga kapwa niya artista sa kanya.

Anyway, speaking of Kylie, ang dami ngang nagsasabi na super lakas ng chemistry nilang dalawa. Bumagay raw talaga ang pagiging mestizo, mestiza nilang pareho, kaya par aka raw nanonood ng foreign movie kapag sila ang nasa big screen.

Well!!! (Dondon Sermino)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!