Kinabukasan Balita

Gawilan, Sabido ginto sa ASEAN Para Games

PINAG-ALAB nina 2-time Paralympian Ernie Gawilan at Roland Sabido ang produktibong unang araw ng kampanya ng Team Pilipinas sa pagwawagi sa unang ginto ng delegasyon sa 11th ASEAN Para Games swimming competition sa Surakarta, Indonesia.

Inangkin ni Gawilan ang pinakaunang ginto ng bansa sa 400m freestyle S7, bago sinundan ng nasa una nitong pagsabak sa torneo na si Sabido sa 400m freestyle S9 event ng swimming.

Nagawa din magwagi ni Arnel Aba ng pilak sa 400m freestyle S9.l, habang nag-ambag ng tansong medalya si Edwin Villanuevsa sa 400m freestyle S8 ng swimming at si Daniel Enderes Jr sa athletics event na men’s 5000 T20.

Coach Rivera, bowling tampok sa PSA Forum

NBA legend Russell pumanaw sa edad 88

Pacman, P8.3 bilyon inayawan ni Marquez

Una nang nakasungkit ng pilak ang Pilipinas mula sa men’s 3×3 wheelchair basketball finals matapos na mabigo ang koponan sa Thailand, 21-12.

Nakatakda pa makipag-agawan ang Philippine national Para athletes sa nakatayang 32 gintong medalya sa athletics, swimming at powerlifting sa unang araw ng kompetisyon ng 11th ASEAN Para Games.

Pamumunuan nina Tokyo Paralympians Jerrold Mangliwan at Jeanette Aceveda ang track and field team sa pakikipaglaban sa 20 golds sa centerpiece event. (Lito Oredo)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!