Kinabukasan Balita

EJ balik-bansa, tutok sa SEAG

AGAD nagbigay-pugay ang World No. 3 at Asian pole vault record holder na si Ernest John “EJ” Obiena sa pagbalik nito sa bansa Huwebes sa bagong upo na Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Jose Emmanuel “Noli Eala matapos ang matagumpay na pagkumpleto sa kanyang ikalawang parte ng pagsasanay.

Sinalubong mismo ng mga opisyales ng PSC ang Tokyo Olympian pole vaulter sa pagdating nito at agad na nagtungo para sa isang courtesy call sa PSC chief upang ibalita ang kanyang matagumpay na kampanya sa Europe kung saan nagwagi ito ng anim na ginto at huling nagtala ng bagong meet record na 5.81 metro sa 2022 Gala dei Castelli sa Switzerland.

Kasama ni Obiena ang mga magulang nitong sina Emerson at Jeanette, maging ang girlfriend na si Caroline Joyeaux.

Pansamantalang magpapahinga si Obiena sa bansa matapos ang mahabang pananatili sa Forne, Italy kung saan ito nagsasanay sa ilalim ng kilalang coach na si Vitaly Petrov at muling mag-eensayo para paghandaan naman ang paparating na Southeast Asian Games at Asian Games.

Princess Louise pipiga ng utak sa Zamboanga

Valdez, Jaja patok sa national squad

Dollarama makikilatis

Katatapos lamang ni Obiena sa pagtatala ng magkasunod na gintong medalya sa Liechtenstein at Switzerland.

Tampok sa kampanya ni Obiena ang pagtatala ng kasaysayan bilang unang Pilipinong pole vaulter na nagwagi sa pinakaunang tansong medalya ng Pilipinas sa World Athletics Championships na ginanap sa Eugene, Oregon noong Hulyo na nagtulak dito tungo sa pagiging No. 3 sa buong mundo.

Itinala din nito ang pinakamalaking upset sa pagwawagi sa anim na titulo sa loob ng tatlong linggo sa pagpapalasap sa unang kabiguan sa World Indoor at Outdoor record holder at Olympics at world champion na si Armand Duplantis ng Sweden sa Brussels Diamond League. (Lito Oredo)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!