Kinabukasan Balita

Eat-Fruits-All-You-Can for a cause sa Kidapawan City, bahagi ng Timpupo Festival

Ibinida ng isang blogger mula sa Kidapawan City ang “eat-fruits-all-you-can” na nakabalandra sa Kidapawan City Plaza, sa halagang ₱199 lamang.

“It’s fruit season in many parts of Mindanao this August…,” saad ng blogger na si Sir Nardx.

“And in City of Kidapawan, as their way of thanksgiving for the abundant harvests they celebrate the Timpupo Festival every year.
At may pa Eat-Fruits-All-You-Can ulit this year…Kita-kitz! 💯”

“Check out the Kidapawan City Tourism Office for this year’s list & schedule of activities,” paanyaya pa ng blogger.

Bahagi ang proyekto ng “Kasadya sa Timpupo Festival” na ipinagdiriwang sa lungsod na ito sa Cotabato. Tatagal ito hanggang Agosto 18.

Kalakip ng kaniyang Facebook post ang litrato ng iba’t ibang mga prutas na nasa eat-fruits-all-you-can kagaya ng durian, saging, mangosteen, rambutan, lansones, at iba pa.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!