Kinabukasan Balita

Eala umakyat WTA ranking

NAABOT ni Alex Eala ang kanyang bagong pinakamahusay na ranking sa Women’s Tennis Association (WTA) matapos nitong tumuntong sa No. 282 sa unang pagkakataon kasunod ng isang mahusay na kampanya sa ginanap na torneo sa Spain.

Inokupahan ng 17-anyos na left-handed na si Eala sa pinakabagong inilabas na listahan sa WTA Singles Rankings nitng Hulyo 25 ang ika-282 silya habang mayroon naman itong ITF Singles Ranking na No. 299.

Pinakabagong career-high rankings ni Eala, Globe ambassador at Rafa Nadal Academy scholar, sa WTA Singles ang No. 282 bagaman bumaba ang ITF Singles Ranking nito kung saan noong Abril 18 ay inokupahan niya ang ika-267 na puwesto.

Sinimulan ni Eala ang taon na may singles ranking na No. 529 bago nito napaangat sa pagsabak sa nakatakdang torneo sa kalendaryo ng WTA at ITF sa pagtatala ng kabuuang 29 na panalo at 13 talo.

Fajardo, Beermen sisipain Bossing

Mojdeh, iba pa sa TOPS Forum

Villa kampeon sa U18 division

Mayroon itong 29 panalo at 12 talo sa hard surface habang may isa itong talo sa clay.

Tumalon siya sa pang-244 puwesto matapos simulan ang taon sa No. 526, nagmula si Eala mula sa No. 1180 noong 2020 sa paglahok sa women’s pro circuit.

Huling nakasampa si Eala sa ikatlong semfinals nito ngayong taon kung saan nabigo ito sa third seed na si Jessika Ponchet ng France sa ITF W60 Vitoria-Gasteiz. Ito ang ikalawang semifinals ni Eala sa W60 ITF tournament.

Bago ang kanyang magandang pagpapakita sa Madrid, nanalo muna si Eala ng tatlong tansong medalya sa kanyang 31st Southeast Asian Games debut sa Hanoi, Vietnam noong Mayo. (Lito Oredo)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!