Kinabukasan Balita

Durant sisikwatin ng Boston Celtics

DUMADAMI na ang piyesa na ipinapain ng Boston Celtics sa Brooklyn Nets para makuha si Kevin Durant.

Apat na linggo na ang nakakaraan ay humingi ng trade si KD.

Wala pang takers pero matunog na nakikipag-usap daw sa Nets ang Miami Heat, Toronto Raptors at Phoenix Suns.

Lumutang ang Boston.

Hidilyn, Julius mag-asawa na: Golden wedding!

Dinaan sa dasal: Bayani tinawag na ‘mayabang’ si…

Karla nagutom, napagod: Lucy, Juliana agaw pansin ang ganda…

Inireport ni Adrian Wojnarowski ng ESPN na nag-offer ang Celtics ng package kasama si Jaylen Brown para kay KD.

Sumunod, si Shams Charania ng The Athletic naman ang naglabas ng balitang ihinain ng Boston sina Brown at Derrick White at draft pick.

Tinabla raw ng Brooklyn ang Brown-White, sa halip ay binanggit si Marcus Smart plus multiple picks at isa pang rotation player.

Ayaw raw bitawan ng Celtics ang kanilang Defensive Player of the Year pero naninimbang ng susunod na hakbang. (Vladi Eduarte)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!