Kinabukasan Balita

Dollarama makikilatis

LIMANG matitikas na kabayo ang kikilatis kay Dollarama sa Philracom Rating Based Handicapping System na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.

Markado si Dollarama na sasakyan ni class A rider Rodeo Fernandez, kaya inaasahang mapapalaban ito sa distansyang 1,200 metro.

Makikipagtagisan ng bilis si Dollarama kina Wessfacckol, Charm Luck, Kid Kenshin, Winsome Maxxine at Adarna sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Princess Louise pipiga ng utak sa Zamboanga

Valdez, Jaja patok sa national squad

EJ balik-bansa, tutok sa SEAG

Nakalaan ang garantisadong premyo na P15,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta, habang may karagdagang P5,000 ang hahamigin ng winning horse owner.

Samantala, pitong karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw kaya masisiyahan muli ang mga karerista sa kanilang pananaya. (Elech Dawa)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!