Kinabukasan Balita

DepEd, naglabas ng opisyal na pahayag kaugnay ng isyu sa procurement ng laptops

Naglabas ng opisyal na pahayag ang “Department of Education” (DepEd) kaugnay sa ‘red flag’ ng Commission on Audits (CA) sa kagawaran, sa umano’y procurement ng laptops na may mahal na presyo subalit may low-end processors noong 2021, sa pamamagitan ng pakikipag-transaksyon sa kontrobersyal na Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Ang mga laptop na ito ay ipinamigay sa mga guro ng DepEd upang magamit nila sa kanilang trabaho.

“𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗚 𝗦𝗮 𝘂𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗖𝗢𝗔 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗿𝗼𝗰𝘂𝗿𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗽𝘁𝗼𝗽𝘀,” ayon sa opisyal na pahayag ng DepEd sa kanilang Facebook page.

“Agosto 5, 2022 – Kinilala ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang 2021 Annual Report ng Commission on Audit para sa ahensya at gumagawa ng mga hakbang upang tugunan ang mga rekomendasyong ipinakita, kabilang ang P2.4 bilyon para sa inisyatibang Laptop for Teachers noong 2021.”

“Pinakamainam na masasagot ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), bilang procuring entity para sa mga unit, ang katanungan patungkol sa presyo ng mga laptop. Tinanggap lamang ng Kagawaran ang mga laptop mula sa PS-DBM.”

“Ipagpapatuloy ng DepEd ang pakikipagtulungan sa COA upang matiyak ang patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyo nito sa publiko.”

“Maraming salamat. #SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo.”

Ang DepEd Secretary noong 2021 ay si Sec. Leonor “Liling” Briones. Sa kasalukuyan, hawak ito ni Vice President Sara Duterte.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!