Kinabukasan Balita

Dennis Padilla, ‘nanggigil’ sa anak na si Julia Barretto matapos ang panayam kay Karen Davila

Matapos ang naging panayam ni ABS-CBN news anchor Karen Davila kay Julia Barretto sa kaniyang vlog, mukhang hindi ito ikinatuwa ng ama ng aktres na si Dennis Padilla.

Sa vlog na ito, hayagang nagbigay ng ilang mga impormasyon at detalye si Julia sa pinag-uusapang ugnayan nilang magkakapatid, sa kanilang amang si Dennis.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/16/julia-barretto-hindi-pa-handang-patawarin-ang-amang-si-dennis-padilla/

Matatandaang naging palaisipan sa mga netizen kung bakit hanggang ngayon, parang dine-dedma si Dennis ng mga anak nila ni Marjorie Barretto. Nagkasagutan pa nga sa social media sina Dennis at ang anak niyang lalaki na si Leon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/nahimasmasan-dennis-binura-ang-open-letter-sa-mga-anak-tugon-kay-leon/

Tila dedma naman ang kaniyang anak na si Claudia nang batiin niya ito sa kaarawan nito, subalit tumugon naman sa inang si Marjorie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/claudia-barretto-tumugon-sa-b-day-message-ni-marjorie-dedma-naman-kay-dennis/

Anyway, sunod-sunod ang naging Instagram posts ni Dennis matapos ang panayam, na direktang ipinatutungkol sa mga anak. Tila wafakels na rin ang komedyante sa anumang mga sasabihin o ikokomento ng mga netizen.

“Ako ang dapat takbuhan mo Julia…. I defended you pero nagalit pa kayo sa akin… Sobra kayo…. Ano etong mga kwento mo kay Karen?? @genepadillaaaa @jenny_ontheblock @juliabarretto @Claudia @danibarretto,” saad ni Dennis na naka-tag pa sa social media accounts ng kaniyang mga anak.

“Ang buong bahay ko… ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia… ano pang revenge ang gusto n’yong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na… humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko… ano pa gusto n’yo?…. pati kay Gerald (Anderson) humingi ako ng apology… ano pa?”

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

Binanggit pa ni Dennis ang kaniyang yumaong amang si Dencio Padilla at ang inang si Catalina Baldivia. Lagi raw kasing naririnig ni Dennis na mabuti na lamang daw at namana ng mga anak ang kaniyang pisikal na anyo sa mga Barretto.

“Si Dencio Padilla a.k.a. Esteban Baldivia… Lolo mo ‘yan… siya owner ng apelyido natin Julia, Claudia at Leon… Pati si Dani ginamit ‘yan noong maliit pa siya… Pati sa school… fyi po…[email protected] @Claudia @danibarretto @theleonbarretto.”

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

“Lagi n’yong sinasabi na maganda ang lahi n’yo… bakit pangit ba Lola Lina n’yo??? Helloooo!!!!”

“Kalahati ng dugo n’yo… amin galing…”

“Si Catalina Dominguez Baldivia… mother ko po… lola nila Julia, Claudia at Leon… pangit ba siya???”

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

Sa iba pang Instagram post ay tinawag ni Dennis ang atensyon ni Karen Davila at nakiusap dito na kailangan siya nitong kapanayamin upang maipaliwanag naman ang kaniyang panig.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Marjorie Barretto at kaniyang mga anak tungkol dito.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!