Kinabukasan Balita

DBM, aprub sa P4.1B ng 4Ps

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng mahigt P4.1 bilyong pondo para sa targeted cash transfer program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Budget Secretary Amena Pangandaman, makikinabang sa naturang halaga ang apat na milyong beneficiaries ng 4Ps ng P500 kada buwan sa loob ng dalawang buwan.

Sila, ayon kay Pangandaman ang lubhang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang bilihin.

Sinabi pa ng kalihim na  hangga’t kakayanin ay patuloy na susuportahan ng gobyerno ang mga programa na mapagaan ang buhay  at pagbibigay tulong sa mga mahihirap na Pilipino

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!