Kinabukasan Balita

David gagamayin sistema ng Tigers

GAGAMAYIN muna ni bagong Santo Tomas Growling Tigers head coach Bal David ang sistema ng koponan bilang paghahanda sa darating na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 85 na magsisimula sa Oktubre.

Susubukang ibalik ng 49-anyos na two-time UAAP champion ang bangis at tindig ng koponang pinaglaruan niya noong Dekada 90.

Makakatulong ng dating Brgy. Ginebra playmaker ang dating mga kakampi sa Gin Kings na sina Ronald Magtulis, Rodney Santos at kapatid na si Bernie David sa coaching staff.

“We’re just behind the [scenes] muna kasi baka maguluhan ‘yung kids. Mayroon silang niru-run na [system], pero let’s see. For now ‘yun muna,” pahayag ni David sa official publication ng UST na Varsitarian. “Personally, since malapit na ‘yung UAAP, kami na sigurong mga coaches ang maga-adjust sa kung ano ‘yung nandun. Maga-adjust kami tapos doon kami magbe-base kung ano ‘yung ipapasok namin sa sistema, tapos doon natin makikita ‘yung makukuha nating improvement,” dagdag ng two-time PBA champion na nagsimulang magtimon noong nagdaang buwan.

Kiefer itinanggi bagong dyowa

PSC tinatrabaho balik ni Obiena sa PH team

2YO Maiden Race alay kay Lagdameo

Inihayag mismo ni Rev. Fr. Rodel Cansancio O.P. sa Abante Sports ang pagkakahirang kay David bilang bagong head coach para palitan si Jinino Manansala na bababa naman bilang head coach ng Tiger Cubs na minsang hinawakan ni McJour Luib kasunod ng pagsusumite ng resignation sa unibersidad.

Hindi naging matagumpay ang 84th season ng UST men’s basketball squad nang magtapos lamang sa 3-11 kartada.

Kasalukuyang nagsasagawa ng tryout ang grupo ng coaching staff simula nitong Lunes hanggang kahapon sa UST Quadricentennial Pavilion (QPav). (Gerard Arce)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!