Kinabukasan Balita

‘Dasal’ hugot ni Vice Ganda, para nga ba kay Bayani Agbayani?

Vice ganda

SINAGOT nga ba ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang “closing prayer” ni Bayani Agbayani sa kanilang noontime show na “Lunch Out Loud”?

Ani Bayani, “Lord, maraming salamat po sa humility na binibigay n’yo sa amin… Huwag N’yo po kaming hayaang maging hambog o mayabang. Lagi po kaming magpapakumbaba at tutulong sa aming kapwa dito po sa industriya at sa labas ng industriya.”

Mabilis naman itong nag-viral kaya naman naging palaisipan sa mga netizens kung si Vice nga ba ang tinukoy nito nang sabihin niya ang salitang “hambog” at “mayabang”.

At tila nakarating na ito sa Unkabogable star dahil kahapon, July 27, ay pasimple ang naging sagot ni Vice sa isyu.

“Hindi masama na mangarap, hindi masarap ang mag-wish. Isabuhay natin ‘yan. ‘Yung araw-araw meron tayong binubuo na plano sa buhay.

“Kung mangangarap na rin lang tayo, lakihan na natin. Lalo na kung magdadasal tayo kay Lord,” saad ni Vice.

Dagdag pa nito, “Basta dapat sincere… I-manifest lang ang mga pinakahinihiling ng inyong puso at baka naman ngayong araw na ito matupad ang mga ipinagdarasal n’yo basta dapat sincere.”

Matatandaang nagsimula ang tila pagpaparinigan nina Vice at Bayani dahil sa isyu ng “overtime”.

“Batiin lang natin si Direk, lahat ng staff kasi talagang kahit kailan hindi tayo nag-overtime. Very good. God bless,” sey ni Bayani.

At sa isang segment nga ng “It’s Showtime” ay nagsalita si Vice na huwag makisali ang iba.

“Kaya dapat hindi lahat nakikisali ha. May kilala tayo nakikisali. Mga nagpaparinig, ba’t ka nagpaparinig, hindi ka naman kasali?

“Kasi may napanuod kami, nagpaparinig. Kaya nag-usap kami, hanga tayo rito. Nagpaparinig siya, hindi naman siya kasama sa isyu,” sey ni Vice.

Maski sa kanyang latest vlog kung saan nag-tour siya sa bagong “It’s Showtime” studio kung saan na-highlight ang malaking LED screen na nagsisilbing paalala sa kanilang mga hosts.

“Puwedeng tanggalin yung DJ Booth, puwedeng tanggalin yung LED walls diyan, pero ito, hindi pwedeng tanggalin. Dahil diyan lumalabas kung overtime na ang Showtime! Because Showtime is overtime, ganoon!” sey ni Vice.

Related Chika:
Vice Ganda pinalagan nga ba si Bayani Agbayani sa isyung ‘overtime’?

Bayani Agbayani trending dahil sa dasal, bagong patutsada nga ba kay Vice Ganda?

Cristy Fermin to the rescue kay Bayani, rumesbak kay Vice Ganda sa isyu ng ‘overtime’

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!