Kinabukasan Balita

Darren Espanto, direktor sa sariling MV tampok ang KDLex

Bida sa brand new music video ni Darren Espanto ang love team ng Kapamilya stars na sina KD Estrada at Alexa Ilacad o ang KDLex.

Halos isang linggo nang ilabas ni Darren ang MV ng kantang “Pabalik Sa’yo,” tumabo na ito sa mahigit 100,000 views sa pag-uulat.

Hinangaan naman ng fans ang parehong magaling na pag-arte ni KD at Alexa sa direksyon mismo ni Darren at Jonathan Tal Placido.

“Sa totoo lang talaga, habang pinapanuod ko ‘to, naiiyak ako na natutuwa. Tears of joy ba kung tawagin. Hindi kasi nararamdaman ko lang yung effort, dedication at passion ni Darren. Grabeee yung pagmamahal niya sa ginagawa niya, sa craft niya. I’m impressed. This MV is really exquisite. Everything is on point. Congrats, Darren. Alexa and KD, good job sa inyo. To the whole team as well,” komento ng isang netizen.

“Another win for Darren!!! We love the song – the lyrics, melody and his voice, then Alexa and KD’s acting! What a great mixed. Let’s make this a top trending MV! Congratulations to the whole Team!”

“Grabe ang ganda ng MV at ang message ng song ay makukuha mo talaga,ang galing din ng projection nilang tatlo. Congrats to everyone!”

“I’m crying rn. We have seen how far our #KDLex have gone and this MV proved that they are ready for bigger roles in a teleserye, in cinemas and we just couldnt wait for it to happen. Claiming that it will be soon! Darren’s vocal is just so out of this world. So amazed by your talents and shocked that you can also direct. Nice job, singer and director Darren!”

“This is a masterpiece. Solid vocals. Love the song. Scenes and Acting on point. Galing ni Darren! Galing ng KDLEX! Naka-ilang ulit na ako. Love watching it again and again. Congratulations to Darren, KDLEX and to the team! Bravo! <3”

“This is literally everyone’s song for their special someone. I’m crying, this is magical. The nostalgia in my heart is giving me butterflies. It’s timeless!”

“This is definitely one for the books! Congrats Darren! Ang ganda ng song. Congrats din to KD and Alexa. This music video depicts the song very well. The acting was spot on!”

Basahin: Darren Espanto, handang sumugal sa pag-ibig kahit na malabo: ‘It’s part of the journey’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Inilabas ni Darren ang “Pabalik Sa’yo” sa ilalim ng Universal Music Group noong Marso 1 sa iba’t ibang music streaming platforms.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!