Kinabukasan Balita

Darna kabog ni Valentina Jane de Leon talong-talong ni Janella Salvador

Kailangang ilabas na ng Kapamilya Network ang “Darna” character ni Jane de Leon dahil sa mga oras na ito ay humahakot na ng atensyon ang ‘Valentina’ character ni Janella Salvador.

Nagbahagi na ng kanyang photo si Janella na nasa character na Valentina.

Sa Instagram, Twitter ay masisilip na naka-turban si Janella habang may nakapatong na yellow boa sa kanyang balikat.

Blangko pa lang ang reaksyon ni Janella sa larawan pero makikita na sa mata nito, ang aasahang acting, at magiging partisipasyon bilang kontrabida sa project.

Ang karakter ni Valentina ang isa sa nagbibigay buhay at kulay sa “Darna”. Hindi maitatangging umaagaw ito ng atensyon sa mga manonood.

Kaya magkakaalaman talaga kina Jane at Janella kung sino ang mas may sipa sa kanilang karakter.

Lala windang sa lambingan nina Tito, Helen

Ang daming kuwento ni newly appointed MTRCB Chair Lala Sotto tungkol sa kanyang mga magulang, sina Tito Sotto, Helen Gamboa.

Ayon kay Lala, kakaiba ang glow at sigla ng kanyang ama na halos araw- araw ay naggu-golf.

Hindi pa rin nakikita ni Lala na gustong bumalik sa serbisyo ang kanyang ama. Pero para sa kanya, mas gusto niyang mag-enjoy muna ang ama sa normal life bilang private citizen.

Kuwento pa ni Lala, ang Mommy raw niya ang dapat na babalik sa pagggawa ng teleserye, pero tinanggihan niya ito. Ayaw raw ng kanyang ina ng lock-in taping.

Feeling ni Lala, ayaw talagang mawalay nang matagal ng nanay niya sa tatay niya.

Aliw na aliw si Lala sa walang katapusang sweetness, lambingan nina Tito Sen, Tita Helen. Minsan ay napapangiwi na lang sila kapag nakikita nilang naghaharutan ang dalawa.

Partners daw ang dalawa kapag may gustong sabihin sa kanila.

“Mag-uusap muna sila. Magbubulungan muna. At saka kami haharapin, kakausapin. Hindi puwedeng si Mommy lang o si Daddy lang. Kailangang sabay sila,” chika ni Lala.

Nataranta kay Regine: Donny hindi naitanggi relasyon kay…

Halikan ng 2 Kapamilya aktor viral sa Twitter

Angelica hagulgol sa baby shower

Kapuna-puna rin ang magandang posture ni Lala, na kahit nakaupo ay super poise talaga. Trained daw sila sa nMommy nila.

“Kapag nakikita niya kaming naka-slouch, susundutin niya kami sa likod para ikorek ‘yung posture naming.”

Siyanga pala, walang ibang adviser si Lala sa public service, lalo na sa bagong trabaho bilang MTRCB Chair, kundi ang kanyang magulang, pati na si Sen. Grace Poe.

Juliana lusot na sa demanda

Muntik idemanda ni Atty. Vince Tanada ang komedyanteng si Juliana Parizcova ng cyber libel dahil sa malicious intent na nai-post nito sa social media, na wala raw basehan.

Nabasa ni Atty. Vince sa post ni Juliana na siya ang direktor ng nakaraang FAMAS, at pinalalabas na ‘yon ang dahilan kung bakit humakot ng awards ang Katips.

Sa interview ng Abantelliling kay Atty. Vince, pinasinungalingan niya ang post ni Juliana, at itinuwid na noong mga nakaraang FAMAS Awards siya nagdirek, at hindi sa kakatapos lang na awards night.

Pero, pinalampas na nga niya ang pagkakataon. Hindi na niya ito kakasuhan.

Pero ang resbak lang niya, “Pangit na ang itsura mo, pangit pa ang ugali mo. Huwag sanang ganon. Maliit lang ang industriyang ito. Hindi natin masabi, baka kakailanganin mo ang tulong ko.”

K Brosas naaksidente sa Tate

Tinuturing ni K Brosas na pangalawang buhay ang pagkakaligtas niya sa vehicular accident, matapos banggain ng SUV ang kanilang sinasakyan sa Amerika.

Pagsasalarawan ni K sa aksidente at sa kalagayan nila, gasgas lang at kirot sa ilang bahagi ng katawan ang natamo niya.

“So na-car accident kami kanina. Thank you lord at safe naman kami. Ako lang ang may minor cut at may konting bruises. Naloka ako sa bilis ng pagdatingng ambulance firetrucks etc. na check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pick up truck kung saan kami nakasakay. TYL!” sabi ni K.

Sira ang nguso ng SUV at yupi ang pinto ng pick up truck.

“Heto po pala itsura ng bangga…sa side ko talaga impact kaya ako lang ang medyo na-injure ng burberry light lang malayo sa bituka…still thank you Lord.”

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!