Kinabukasan Balita

Cotabato, state of calamity na sa baha

Isinailalim na sa State of Calamity ang Kabacan Cotabato matapos masuri ng Municipal Agriculture office na umabot na mahigit 420 ektarya na ng sakahan ang napinsala dulot ng baha sa nasabing bayan.

Ang nasabing resolusyon ay ibinaba ng Sangguniang Bayan sa bisa ng No. 2022-085 na nagdedeklara sa bayan sa nasabing kalamidad.

Ama ng killer ni ex-mayor tinumba

7 na dedbol sa luzon quake – NDRRMC

Ilang kalsada sa Ilocos Sur sarado pa

Sinabi ni Kabacan Municipal Mayor Evangeline Pascua-Guzman na sa nasabing pagdedeklara nito ay mas mapapabilis ang pagsasaayos ng mga tulong para sa 2,106 na pamilyang apektado ng baha mula sa Brgy. Kayaga, Cuyapon, Magatos, Lower Paatan, at Kilagasan.

Sa ngayon, isinasaayos na ng LGU ang mga ayuda para sa mga apektadong pamilya habang patuloy na nakikipag-ugnayan ang tanggapan ng agrikultura sa Department of Agriculture (DA-12) at ibang sangay ng ahensya.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!