Kinabukasan Balita

CongTV, Viy baby binaha ng gatas

Dinadagsa ngayon ng mga milk donor ang Payamansion para kay Kidlat, ang anak nina CongTV at Viy Cortez.

Sa latest vlog nila, kitang punong-puno ang kanilang ref ng breastmilk na karamihan ay mula sa mga donation. Biro pa nga ni CongTV, aabutin ng 30 years bago ito maubos.

Bilang tila nahihirapan sa pagpapa-breast feed si Viy, marami ang nag-aalok ng gatas ng ina sa bagong apple of the eye sa Team Payaman.

Ikinatutuwa man nina CongTV ang mga nais tumulong sa kanila, hindi naman umano nila nais na masayang lang ang napakaraming gatas na ito.

Kaya naman hinikayat ng mag-asawa na huwag lang sa kanila mag-donate ang mga nagpapasusong ina. Puwede rin umano sa iba’t ibang milk bank sa bansa. Gaya sa Human Milk Bank o sa www.hmb.ph.

Humakot ng award: Herlene Budol pinagkaitan ng titulo

Kapit sa patalim? Wala akong tinanggap na pera kay PBBM – Ka…

Chandelier, wind chimes’ Catriona pinagtawanan, nilait sa…

Human Milk Bank.ph

Mayroon din umano kasing mga sanggol na walang madede dahil sa namatay ang ina sa panganganak, o ‘yung premature babies.

Nakakapag-produce na rin umano ng breastmilk si Viy kaya sana, sa iba na lang mag-donate ang kanilang mga follower.

Sapat na umano ang gatas ni Kidlat kaya sa mas nangangailangan na lang umano magbigay ang may mabubuting kalooban. (Batuts Lopez)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!