Kinabukasan Balita

Cone, balik-Pilipinas na! Ginebra, nanalo rin vs NorthPort

Tila nabuhayan ng loob ang Barangay Ginebra nang dumating sa bansa si coach Tim Cone mula sa pagsama nito sa coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League, matapos manalo ang koponan laban sa NorthPort, 100-93, sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Muntik na namang makagawa ng triple-double si Scottie Thompson nang makuha ang 23 puntos, 15 rebounds at walong assists.

Malaking tulong din sa pagkapanalo ng Gin Kings sina John Pinto (18 puntos), Japeth Aguilar (14 puntos), at LA Tenorio na nakaipon ng 13 puntos.

Sa huling yugto ng laro, nagpupumilit pa ang Batang Pier na humabol sa abante ng Gin Kings, gayunman, hindi na nila natapatan ang ratsada ng huli, sa tulong na rin ni Thompson.

Hawak na ngayon ng Ginebra ang 7-3 panalo-talo at sapat na ito upang makuha ng puwesto sa playoff round.

Nahulog naman sa 3-7 panalo-talo ang NorthPort.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!