Kinabukasan Balita

Concepcion pasabog sa D-League

AYAW sumuko ni Sherwin Concepcion, kahit nang matalo ng apat na sunod ang Builders Warehouse-UST sa Philippine Basketball Association D-League Aspirants Cup eliminations.

“Every game namin, lagi kong kinakausap ang mga kasama ko na maglaro lang sila at magtiwala sa sistema namin,” anang 6-foot-2 gunner Linggo.

Pinangatawanan ni Concepcion ang sinabi, bumomba ng 14 points, 14 rebounds at 10 assists – pang-10 triple-double lang sa 10 seasons ng D-League – para ihatid ang Tigers sa dambuhalang 150-79 win kontra AMA Online.

Sunod na laro ay sumagpang naman siya ng 18 points mula apat na 3, 10 rebounds nang silatin ng USTe ang contender Marinerong Pilipino 88-80.

Banchero, Holmgren pasiklab

Robin Hood arangkada

La Salle may bagong hugot

Sa paggiya sa mga taga-Espana, si Concepcion ang tinanghal na Cignal Play-PBA Press Corps D-League Player of the Week ng July 25-29.

Naungusan niya si Kevin Quiambao ng EcoOil-La Salle sa citation na binibigay ng mga sportswriter na regular na nagkokober ng liga.

Sa 2-4 card, may tsansa pa sa next round ang Tigers. Kailangan lang ipanalo ang huling laro sa elims kontra [email protected] Knight sa Martes. (Vladi Eduarte)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!