Kinabukasan Balita

Combat sports mabuti sa kabataan – Sabrine

TIWALA si National Muaythai Kickboxing Council founding president Emmanuel “The Animal” Sabrine na kung maipapaliwanag lamang umano sa mga magulang o guardian ng mga bata ang mabuting maidudulot ng combat sports ay mas maraming kabataan ang maaring hubugin upang maging isang magaling na combat sports athlete.

Ayon sa kanya, mas madaling mahubog ang mabuting karakter sa isang bata sa pamamagitan ng combat sports.

“Tulad ng ibang contact sports, hindi lamang tungkol sa self-defense ang layunin namin sa NMKBCP. Hinuhubog namin ang disiplina at kaisipan ng atleta upang maging isang huwarang mamamayan,” ayon kay Sabrine nang ito ay dumalo sa TOPS Usapang Sports Huwebes ng umaga sa Behrouz Restaurant sa No. 50 Scout Tobias corner Scout Fernandez sa Timog Avenue, Quezon City.

Bata nadamay sa bilyaran raid

Tan, Canlas ginto sa Minime Fencing

Alex kinilala ng Kongreso

“Kaya marapat lamang na maaga pa lang ay maituro na sa mga magulang ang kabutihan ng kanilang mga anak sa sandaling pumasok sila sa sports tulad ng muay,” dagdag pa niya sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB), Pagcor at ng Behrouz Restaurant.

Ayon pa kay Sabrine, malaking bagay ang kaalaman sa sports na gaya ng muay gayung disiplina sa sarili ang itinuturo nito sa mga atleta at hindi basta pakikipagsagupaan lamang.

Sa kasalukuyan, ang NMKBCP ay patuloy sa pag-oorganisa ng mga mga regular na pagsasanay at torneo na nilalahukan naman ng mga ilang kilalang combat sports athletes sa bansa. (Annie Abad)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!