Kinabukasan Balita

Chua napiling Gilas advisor

PAPASOK na ang San Miguel Corporation sa pagsasaayos ng koponan ng Gilas Pilipinas sa pagsabak nito sa FIBA World Cup sa 2023.

Ilalagay bilang executive advisor ng national team si SMC sports director Alfrancis Chua, ito ay ayon sa source buhat sa report.

Inilagay si Chua sa puwesto kasabay ng pagpupulong na naganap sa pagitan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kasama si Chot Reyes sa tanggapan ng PLDT nitong Lunes.

Watanabe sasabak sa 2022 Asian Judo

World belt alay ni Dave sa ina

Baraquiel maangas simula

Hindi pa man umano umooo si Chua sa SBP at hiniling din nito na huwag nang isapubliko ang nasabing appointment, bagaman siniguro niya na handa siyang tumulong para sa national team.

Nauna dito ay nagkaroon na ng pagpupulong ang dalawang pinuno ng mga kompanyang SMC na si Ramon S. ang at Metro Pacific Investment Corporation na si Manny Pangilinan.

Samantala, hiniling naman ni SBP President Al Panlilo sa ibang basketball stakeholders na magkaisa para sa ikatatagumpay ng Gilas sa mga susunod nitong laban. (Annie Abad)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!