Kinabukasan Balita

‘CHIUrista yarn?’ Mga netizen, masaya para kay Kim dahil namasyal sa ‘happiest place on earth’

Masayang-masaya ang mga netizen, lalo na ang mga tagahanga at tagasuporta ni Kapamilya actress-TV host Kim Chiu na finally ay hindi na ito “bawal lumabas” at wala rin sa good place, bagkus ay nasa “happiest place on earth”.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/03/kahit-antokyo-japan-kim-chiu-naglakwatsa-sa-disney-world-sa-amerika/

Ilang serye ng mga larawan ang ibinahagi ng Kapamilya star sa kaniyang Instagram update, Miyerkules.

“A dream is a wish your heart makes,” pag-quote pa niya sa sinabi ng karakter na si Cinderella.

“Finally at the 𝐇𝐀𝐏𝐏𝐈𝐄𝐒𝐓 𝐏𝐋𝐀𝐂𝐄 𝐎𝐍 𝐄𝐀𝐑𝐓𝐇, 𝐃𝐈𝐒𝐍𝐄𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃! Had so much fun! Like super! Pero struggle is real!!! Labanan natin ang jet lag ANTOKYO JAPAN habang nasa happiest place on earth! hirap eh!! check out last photo!!! (caption please?) hihihi,” aniya.

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Naispatan pa ang aktres na nilalaban ang antok habang naglalakwatsa sa sikat na destinasyon.

Sa hiwalay na post sa Instagram pa rin, ipinasilip ni Kim ang ilang tagpo sa kanilang Disneyland.

“It was a magical feeling watching the fireworks display. Aside from the fireworks, it’s really how they give the message that will touch your heart and made you realize things. I 🥹. That was an experience I will never forget. Ang saya!!!❤️ truly a magical feeling,✨✨✨” saad ng aktres.

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Sa isa pang IG post, “Scorching hot here in Orlando!!!☀️🔥🥵 Never the less I had the best time ever here in DisneyWorld!🌎❤️ 🥰✨😍 truly magical and happiest place on earth!!!🥹”

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Masaya naman ang mga netizen para kay Kimmy dahil deserve na deserve daw nito ang pahinga.

“I love seeing the kid inside you… priceless happiness. Enjoy and have fun and keep safe always.”

“You are truly an inspiration Kimmy, you make your dreams come true.”

“Kaya pala wala ka sa Showtime, nasa labas ka pala haha.”

“Truly couldn’t agree more! Disney World is the best and happiest place to be! I’m glad you had a great time in Sunshine. Enjoy, Kimmy!”

Isa si Kim sa mga artistang napapanood sa telebisyon araw-araw. Mula Lunes hanggang Sabado, host siya sa noontime show na “It’s Showtime”. Tuwing Linggo naman, nasa musical noontime show “ASAP Natin ‘To” ang tinaguriang “Queen of the Dancefloor”.

Take note, nagtapos na ang “Pinoy Big Brother” kaya hindi na siya napapanood sa gabi at kahit paano, may pahinga na siya.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!