Kinabukasan Balita

Calvin teknikal sa ‘laslas leeg’

Mga laro bukas: (Araneta Coliseum)
3:00pm — TNT vs Converge
6:00pm — San Miguel vs Blackwater
(*TNT, San Miguel twice-to-beat)

NATAWAGAN ng dalawang technical foul si Calvin Abueva sa 98-89 win ng Magnolia kontra NLEX sa opener ng kanilang PBA Philippine Cup quarterfinals sa Smart Araneta Coliseum.

Sa flopping nadale ang The Beast, bagaman may senyas siyang panggilit sa leeg sa dulo.

Dumating ang pangalawa papasok ng last 2 minutes nang idikit ng Road Warriors sa 96-87 mula 17-point down.

Bumawi si Abueva nang tapusin sa dakdak ang steal ni Aris Dionisio mula sa inbounds ni Calvin Oftana tungo sa 98-89.

Zubiri, Romualdez naluklok na lider ng Senado, Kamara

Dineklara sa SONA! Wala nang lockdown

Ateneo shooting panggising sa PNP – Sec Trixie

Pagkatapos ng dunk, sumenyas ang veteran forward ng slit throat.

‘Alam naman ni Calvin ‘yun,” ani coach Chito Victolero sa dalawang Ts ni Abueva. “Titignan namin ‘yung game tape and then analyze kung anuman nangyari.”

Tumapos sina Abueva at Paul Lee ng tig-13 pang-ayuda sa 25 ni Mark Barroca na nagsampa sa kanya bilang 94th member ng 5000-point club.

Susubukan ng Hotshots na tapusin ang series at bumalik sa semis sa Game 2 sa Biyernes sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan. (VE)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!