Kinabukasan Balita

Brand new collab nina Julie Anne San Jose, Gary V, ‘dream come true’ para sa Kapuso singer

Mapapakinggan na ang ang kauna-unahang music collaboration nina “Asia’s Limitless Star” Julie Anne San Jose at OPM pillar Gary Valenciano.

Ito ang bagong handog ng Kapuso singer sa kaniyang fans.

Isa pa ring “surreal moment” para kay Julie ang magkaroon ng kanta kasama ang nag-iisa at tinaguriang “Pure Energy” ng industriya.

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

“It’s out! I wrote this song last year and it has finally come to life. Still feels surreal..collaborating with @garyvalenciano is definitely a dream come true. Thank you to @universalrecordsph @angelipv for making this happen,”  mababasa sa Instagram ni Julie.

Supportive naman ang suitor ni Julie na si Rayver Cruz na agad na binati ang Kapuso singer sa bagong milestone nito.

Sa isang hiwalay na Instagram post, inimbitahan rin ng Kapamilya OPM icon ang kaniyang followers na pakinggan ang brand new collab.

A post shared by Gary Valenciano (@garyvalenciano)

“More collabs like this are needed for the Pinoy entertainment business. No borders. No walls. Dapat All Out Sunday Afternoon Party!!!” komento ng isang fan sa brand new collab.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!