Kinabukasan Balita

Bihira ‘to! Blackwater, naka-2 points lang sa 1st quarter sa PBA

Matapos maitala ang longest losing streak kamakailan, nakapagtala naman ngayon ang Blackwater Bossing ng nakadidismayang dalawang puntos na produksyon sa loob ng isang quarter, kalaban ang NLEX Road Warriors sa PBA Philippine Cup sa Ynares Arena sa Pasig City nitong Biyernes ng hapon.

Tanging ang buslo ni 6’8” center Yousef Taha ang naging iskor ng Blackwater, 7:57 ang natitira sa first quarter ng kanilang laban.

Bukod dito, nakapagtala pa ang Bossing ng 10 turnovers.

Naka-iskor naman ng 31 puntos ang Road Warriors sa nasabing yugto.

Ito ay nangyari sa sinasabing impressive conference ng Blackwater nang makapagtala ng apat na sunud-sunod na panalo.

Gayunman, naputol ang impresibong kampanya ng Blackwater matapos silang pataubin ng San Miguel nitong Hulyo 10.

Kamakailan, naputol ng Blackwater ang 29 sunud-sunod na pagkatalo matapos padapain ang Magnolia, 101-100 noong Marso 9 ng taon.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!