Kinabukasan Balita

Belen, iba pa sa AVC Cup

MASUSUBUKAN ang mga collegiate players ng bansa na pagbibidahan ni first-ever UAAP Rookie-MVP Mhicaela “Bella” Belen ng National University Lady Bulldogs sa darating na Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women sa Agosto 21-29 sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Inanunsiyo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang mga bubuo sa naturang koponan na ibabandera ng karamihan sa manlalaro galing sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at ang iba mula sa California Precision Sports.

Joel Lamangan sakim, gurang na – Darryl Yap

NBA super team wala nang werpa

Alex asinta Grand Slam

Ipaparada ng grupo sina Belen, Jennifer Nierva, Alyssa Solomon, Lams Lamina, Ivy Lacsina, Kamille Cal, Faith Nisperos, Vanie Gandler, AC Miner, Trisha Genesis, Louie Romero, Alyssa Bertolano, Casiey Dongallo at Jelaica Gajero.

Wala pang kasiguruhan kung lalaro ang tatlong Santo Tomas Golden Tigresses na sina Eya Laure, Bernadette Pepito at Imee Hernandez, gayundin sina Thea Gagate, Leiah Malaluan, Fifi Sharma, Leila Cruz, Jolina dela Cruz at Marrionne Alba ng La Salle. (Gerard Arce)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!