Kinabukasan Balita

Beauty tuloy ang planong pagre-retire sa showbiz after 6 years: Inaway nga ako ng husband ko, ‘Ang yabang-yabang mo!’

Rhea Tan at Beauty Gonzalez

TULOY na tuloy pa rin ang plano ng Kapuso actress na si Beauty Gonzalez na mag-retire sa entertainment industry after six years.

Napag-usapan ang sinabi niya sa isang interview na hanggang six years na lang siyang mag-aartista nang makachikahan siya kamakailan ng ilang members ng media.

At muli nga niyang kinumpirma na ito pa rin ang balak niya after six years in the business sa presscon ng Beautederm Corporation, “Yeah, inaway nga ako ng husband ko. ‘Ang yabang-yabang mo, six years ang sinasabi mo diyan!’ Ha-hahaha!”

Paano nga ba niya nai-imagine ang sarili six years from now? “Well, six years from now, I’ll still look like Ms. Rei (Anicoche Tan, President and CEO ng Beautederm), payat, sexy, and beautiful.

“’Yan yung goal. And siyempre marami na akong nagawang projects hopefully na magaganda. And I mean, gusto kong mag-retire but kung meron mang magandang project na I cannot resist, who I am to you know, who am I to say no if maganda talaga?

“But if kung kaya, I would really wanna retire loved and beautiful and while I’m still up there. Ayokong umalis ako na alam mo yun, yung parang hindi wala… yung hindi na maganda. Yung ganun. Gusto ko, pag nakatalikod ako, masaya pa rin ako,” sey pa ng Kapuso star.

Sundot na tanong kay Beauty, bakit naiisip na niyang mag-retire sa showbiz, e, ang bata-bata pa niya, “Ako kasi, I’m a type of person na pinaplano ko talaga. As much as I can, kung kaya kong planuhin yung career ko, I would plan it.

“And just like what I said kanina, if ever I retire, I wanna be retiring at my peak. I don’t wanna retire when I’m feeling and going down. Para when I turn my back, naka-smile pa rin ako. Hindi ako umiiyak,” aniya pa.

Kung mabibigyan ng chance, gusto niyang maging businesswoman someday, “Why not? Matutuwa yung mama ko nu’n. And of course, take care of my husband, my family. Ahhm, continue what I love. I love arts. Maybe I’ll have an art gallery someday. Yun yung mga dreams ko.”

Perfect na perfect naman si Beauty na maging endorser ng BeauteHaus pero pag-amin niya, “Actually, when I grew up, hindi ko nakikita na maganda ang sarili ko.

“And then nu’ng napanood ko yung Beauty and the Beast, maganda yung Beauty, si Belle du’n, di ba? I was thinking with my mom na parang, ‘Talagang confident ka, pinapangalan mo akong Beauty, ‘no?’ sabi kong ganu’n. ‘Paano kung pangit ako, itatago mo ako?’

“Kasi, Beauty talaga ang ipinangalan niya. And then, well, I really don’t think of myself as beautiful, that’s the problem with me. And I’m happy that I have my husband who keeps reminding me that.

“Honestly, I’d rather feel that way rather than feeling ko, magandang-maganda ako. I’d rather be shy and uncomfortable para hindi ako mukhang mayabang, you know.

“Alam mo yun, iba yung parang feeling maganda ka, tapos wala ka namang ibang nabibigay,” sabi pa ni Beauty na very soon ay mapapanood na bilang kontrabida sa “Mano Po Legacy: The Flower Sisters” ng GMA.

Beauty Gonzalez certified ‘hot mama’ na rin; pak na pak ang pagsusuot ng 2-piece bikini

GMA tinupad agad ang wish ni Beauty: Hindi lang isa kundi 2 Dingdong pa ang nakatambal ko

Matteo sa 34th birthday ni Sarah: Proud husband here! Keep that fire burning!

Kylie natakot sa magiging reaksyon ni Jake sa sex scenes niya sa ‘My Husband, My Lover’

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!