Kinabukasan Balita

Bangka lumubog sa Bahamas, 17 todas

Nasawi ang 17 katao matapos na lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa Bahamas Islands noong Linggo.

Ayon sa ulat, pawang mga Haitian migrant ang mga pasahero ng bangka na nagtangkang makarating sa Miami, Florida para tumakas sa karahasan at kahirapan sa kanilang bansa.

Sinabi ni Bahamian Prime Minister Philip Davis na 15 kababaihan, isang lalaki at isang sanggol ang mga biktima.

P2.4M tsongke bistado sa Padala System modus

Hacker nambudol sa FB, arestado

Totoy tumalon sa pool, dedbol

Nailigtas naman ang 25 pang pasahero ng bangka na nasa maayos ng kalagayan habang patuloy na hinahanap ang iba pa.

Umalis ang bangka sa Bahamas ng ala-una ng madaling-araw na may karga umanong 60 pasahero. Sinabi ni Davis na iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung isa itong kaso ng human smuggling.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!