Kinabukasan Balita

Banchero, Holmgren pasiklab

PASABOG sina Paolo Banchero at Chet Holmgren sa CrawsOver Pro-Am league ni Jamal Crawford nitong Sabado.

Top two picks noong nakaraang 76th National Basketball Association 2022 Draft ang dalawa – si Banchero sa Orlando Magic, si Holmgren sa Oklahoma City Thunder.

Naging magkakampi ang dalawa laban kay Jaden McDaniel ng Minnesota Timberwolves nitong Sabado sa pa-liga ni Crawford sa Seattle.

Humarabas ng 50 points, 9 rebounds si Banchero, sinegundahan ng 34 markers, 14 boards ni Holmgren para sa Sonics.

Robin Hood arangkada

La Salle may bagong hugot

Rondina titser na

Mas maangas ang sinalansan ni McDaniel na 52 points para s Ball is Life.

Suwabe ang mga bitaw ni Banchero, may mga pinakawalan pang highlight-reel dunks sa exhibition match na naka-livestream sa NBA.com.

Mukhang nakatagpo ng mina ang Magic. (Vladi Eduarte)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!