Kinabukasan Balita

Bago pa mabulok: Bahagi ng inaning bawang sa Batanes, idiniliber na sa QC

Idiniliber na sa Quezon City ang bahagi ng inaning bawang sa Batanes upang hindi mabulok sa pagkakaimbak nito sa lalawigan, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Linggo.

Paliwanag ng DA-Regional Field Office sa Cagayan Valley, tinulungan nila ang mga magsasaka sa Itbayat na maibiyahe ang kanilang produktong sinundo pa sa Sual Port sa Pangasinan patungong Metro Manila.

Sinabi ng ahensya, ang mga nasabing magsasaka ay pawang miyembro ng Itbayat Garlic Producers Association sa Batanes.Mahigit sa 600 kilo ng bawang ang inihatid sa DA Kadiwa Center sa Quezon City nitong Setyembre 14.

Tiniyak ng DA na patuloy nilang tinutulungan ang mga magsasaka ng bawang sa pamamagitan ng iba’t iba nilang agribiz program.

PNA

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!