Kinabukasan Balita

Baby nina Viy Cortez at Cong TV na si Baby Kidlat pampa-good vibes sa socmed: Nakakawala siya ng stress!

NAGPASABOG na naman ng ngiti at good vibes si Baby Kidlat sa madlang pipol sa kanyang kauna-unahang photo shoot.

Si Kidlat o Zeus Emmanuel Velasquez ang anak ng sikat na sikat na YouTube couple na sina Viy Cortez at Cong TV na isa ngayon sa itinuturing na “happy pill” ng mga netizens dahil sa kakyutan nito.

Nakita namin ang unang batch ng mga litrato ng sanggol na kuha nga mula sa kanyang first pictorial na ibinahagi ng kanyang first time parents sa social media.

Sa mga nasabing photos ay makikitang natutulog ang parang anghel na si Baby Kidlat. Mula raw sa Aljenworks Photography ang mga photos na inilabas nina Viy at Cong TV bago ang “first month-birthday” ng sanggol.

“My life,” ang tanging caption na inilagay ni Viy sa kanyang Instagram post na sinundan niya ng heart emoji. 

“Sooo adorable baby [email protected]”

“Little Cong! Cute!”

“Mixture talaga ni Cong and Viy.”

“Sobrang pogi naman ng bebeng yaaaan!!”

“Kaka watch ko Lang nito SA vlog mo Ms Viy ang cute no kidlat hehe.”

“Pampawala ng stress ang pagtitig ko sa litrato ni Kidlat. Love it!”

“Nakaka good vibes ang aura ng bata. Parang gusto ko na ring magkaanak. Hanap muna ko dyowa.”

“Habang tulog yan, baka hotdog pinapanaginipan niyan miiiii hahahhahha!”

Nito lamang nagdaang July isinilang ni Viy ang anak nila ni Cong TV. Ibinandera nila ang pagbubuntis ni Viy noong December, 2021, isang taon makalipas makunan sa kanyang first baby.

Pitong taon nang magkarelasyon ang dalawang vlogger na may combined subscibers nang 15 million sa YouTube. 

Sa isang cute na cute na Facebook post ni Cong noong manganak ang kanyang partner, makikitang nakikipagchikahan siya sa kanyang baby. 

Makikita si Kidlat na nasa maliit na hospital bed habang si Cong ay nakaupo sa tabi niya, itinuturo ang tanawin sa labas ng kanilang bintana.

“Ang sarap mong ka kwentuhan kahit puro iyak lang ang reply mo. I love you!” sey ng vlogger.

Viy Cortez, Cong TV ibinandera ang mukha ni Baby Kidlat, netizens super happy

Viy Cortez, Cong TV ipinasulyap ang kanilang first baby sa madlang pipol

Viy Cortez kay Cong TV: Kuntento ako sa ano mang meron tayo

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!