Kinabukasan Balita

Babala ng PAGASA: LPA sa northern Luzon, posibleng maging bagyo

Posibleng maging bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa northern Luzon, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes.

Sa abiso ng PAGASA, ang nabanggit na LPA ay nasa 985 kilometro Silangan ng dulong northern Luzon at malaki ang posibilidad na mabuo bilang bagyo sa loob ng 24 oras.

“This LPA has a high chance to develop into a weak tropical cyclone in the next 24 hours. This will be named ‘Ester’, or the fifth tropical cyclone in the country,” ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja

Pinaiigting aniya ng LPA at bagyong nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang habagat o southwest monsoon.

“As such, these weather disturbances will continue to cause rains in the next few days since they enhance the southwest monsoon,” anito.

Nitong Biyernes, asahan na ng publiko ang kalat-kalat at malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan), Bicol Region, Zambales, Bataan, Antique, at Aklan.

Posible rin aniyang magkaroon ng flash flood at landslide sakaling makaranas ng malakas na pag-ulan sa mga tinukoy na lugar.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!