Kinabukasan Balita

Babaeng ‘drug suspect’, patay sa pamamaril

Isang babaeng na umano’y drug suspect ang patay nang pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin sa Taytay, Rizal nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Eriza Agub, na residente ng Brgy. Sta. Ana, sa Taytay.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Block 5, Purok 4, Lupang Arenda, Brgy. Sta Ana, Taytay.

Nakatayo lamang umano ang biktima sa lugar nang lapitan ng suspek at kaagad na binaril sa katawan.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Ayon sa mga otoridad, inaalam na nila kung posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen dahil mismong ang mga kaanak na nito ang nagsabi na sangkot umano ito sa naturang ilegal na aktibidad.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso at pagtugis sa salarin.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!