Kinabukasan Balita

Anniversary hugot ni Jerald kay Kim: Ang fried chicken sa plain rice, ang wasabi sa sashimi…ngayon lang ako nakumpleto nang ganito

Jerald Napoles at Kim Molina

WALONG taon na ngayong magkarelasyon ang celebrity couple na sina Kim Molina at Jerald Napoles at in fairness, solid na solid pa rin ang kanilang pag-iibigan.

Matagal nang nagsasama sa isang bahay ang dalawa pero kahit minsan ay wala tayong narinig na intriga at tsismis na nega tungkol sa kanilang pagsasama.

Kaya naman itinuturing din sila ng kanilang mga kasamahan sa entertainment industry na mga “lodi” pagdating sa usapin ng pakikipagrelasyon.

Nitong nagdaang July 21 ay nag-celebrate nga sina Jerald at Kim ng kanilang 8th anniversary as a couple. At bilang regalo sa kanyang dyowa, nag-post si Jerald ng sweet message sa social media.

Nagbahagi siya ng mga litrato nila ni Kim Instagram na may caption na, “Ang tsokolate ko sa malulungkot na araw, ang kape ko sa mababagal na sandali.

“Ang fried chicken sa plain rice. Ang wasabi sa sashimi. Ngayon lang ako nakumpleto ng ganito, ikaw ang aking pahinga sa nakakapagod na mundo. Happy Anniversary @kimsmolina , mahal kita. #HappyAnniversaryKimJe,” mensahe ng komedyante kay Kim.

Nag-post din sa Instagram ang aktres ng mga litrato nila ni Jerald na kuha mula sa isang ‘90s-themed photo shoot na katulad ng tema ng birthday party niya ngayong taon.

“Ladies & chenemen, ‘90s loveteam notebook FTW!  My rock, my core, my love, HAPPY ANNIVERSARY! Blessed to move mountains with you everyday. I love you! @iamjnapoles #KimJe,” ang caption ni Kim sa kanyang IG post.

Nag-post din ang mga “KimJe” supporters sa socmed ng mga litrato ng showbiz couple para batiin din sila “happy anniversary”.

Sa isang panayam, nabanggit ni Jerald na super enjoy pa rin sila ni Kim sa kanilang set-up bilang live-in partners. May plano pa rin daw silang magpakasal at hinihintay lamang nila ang tamang panahon.

“I think as we grow old talagang may madi-discover ka pa sa bawat isa, maski sa sarili na, ‘Ay ganito pala ako kapag tumatanda,’ may mga ganu’ng bagay tayo. Tapos madi-discover din namin sa isa’t isa yon.

“Ang mahirap sa pagsasama sa iisang bubong ay yung kung paano ka magiging honest sa pinagdadaanan mo bilang indibidwal which kailangang gawin mo yon sa partner mo para matulungan ka.

“At yon din naman ang masarap doon, na kapag nangailangan ka ng tulong, kailangan mo nang kapartner sa buhay since nandiyan lang siya sa tabi mo mas madali na,” sey ni Jerald.

Kim Molina, Jerald Napoles ayaw pang magpakasal: Madaling magplano, mahirap panindigan

Kim Molina, Jerald Napoles walang arte sa love scene; hubad kung hubad

Angeli Khang Box-Office Queen ng Vivamax; classic movie nina Tito, Vic & Joey iri-remake nina Mikoy, McCoy at Jerald

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!