Kinabukasan Balita

Ang Probinsyano’ madugo ang wakas: Coco kukuyugin nina Tolentino, Arcilla, Estrada, Bagatsing, Roces

Dumating na ang panahon para sa huling laban nina Cardo (Coco Martin) at ng Task Force Agila.

Isang makapigil-hiningang digmaan ang nagbabadya dahil pinaghahandaan na nila ang pag-aresto sa dalawang most wanted criminal ng bansa sa huling dalawang linggo ng

“FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos.”

Balik-serbisyo na ang buong Task Force Agila matapos linisin mismo ni Presidente Oscar (Rowell Santiago) ang kanilang mga pangalan. Para sa kanilang huling misyon, inatasan silang dakpin at arestuhin, buhay man o patay, sina First Lady Lily Hidalgo (Lorna Tolentino) at ang kilalang drug lord na si Renato (John Arcilla).

Kahit naman nagluluksa pa rin si Cardo dahil sa pagkamatay ni Lolo Delfin, desidido siyang wakasan ang kasakiman nina Lily at Renato dahil alam niyang ito ang sagot para maibalik ang kapayapaan sa Pilipinas.

Pero matinding mga pagsubok ang kailangan harapin nina Cardo upang magtagumpay. Bukod kasi sa tulong nina Armando (John Estrada), Lolita (Rosanna Roces), at ng Black Ops, nakuha na rin ni Lily ang katapatan ng mga foreign terrorists para sa plano niyang pagsakop sa bansa.

Sey niyo Kathryn, Anne? Maja Salvador tunay na reyna ng TV5

Jo Koy movie dinagsa ng mga Pinoy sa US

Angelica ‘nagnakaw’ sa kapitbahay

May sariling mga alas din si Renato laban sa gobyerno dahil nakipagsanib-pwersa na siya kay Lucio (Raymond Bagatsing), ang pinakamakapangyarihang terorista sa bansa.

Magtagumpay kaya si Cardo sa kanyang misyon upang makamit ang matagal na niyang inaasam na hustisya? Ano pang masasamang plano ang gagawin nina Lily at Renato?

Kaloka, di ba? (Dondon Sermino)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!