Kinabukasan Balita

Ancajas-Martinez 2 kasado sa Oktubre 8

PLANTSADO na ang rematch nina dating world champion Jerwin Ancajas at Argentinian boxer Fernando Martinez.

Ayon sa RingTV, ang muli nilang pagtutuos ay gaganapin sa October 8 sa Los Angeles kung saan reresbak si Ancajas upang bawiin kay Martinez ang inagaw nitong IBF bantamweight crown ng Filipino fighter.

Magugunitang yumuko si Ancajas kay Martinez noong Pebrero 26 sa Las Vegas kung saan nabitawan niya ang matagal na niyang pinangangalagaang IBF title nang matalo ito via unanimous decision.

Bongbong sinaluduhan si IBO champion Dave

Barcenilla winarak Israeli grandmaster

Fuentes aarangkada sa San Juan Knights

Ayon sa trainer/coach ni 30-anyos Ancajas na si Joven Jimenez, nagpasya na noong nakaraang Mayo pa ang Panabo pride na magkasa ng rematch clause upang mabawi ang titulong hawak na niya mula pa noong taong 2016.

“Humiling talaga si Jerwin ng rematch,” pahayag ni Joven. At ’yan din ang sinabi ni Jerwin kaya pumayag ako,” sey ni Jimenez.

Hawak ni ‘Pretty Boy’ ang 33-2-2 kartada na may 22 KOs habang si Martinez ay nagpapahinog pa lamang sa 14-0 baraha na may 8 knockouts. (Aivan Episcope)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!