Kinabukasan Balita

Anak ni Spoelstra humina ang cancer

INIHAYAG ni Nikki Spoelstra, asawa ng Miami Heat head coach na si Erik Spoelstra, na bahagya nang humina ang cancer na tumama sa kanilang apat na taong gulang anak na si Santiago.

Sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, sinabi ng misis ni Spoelstra na tinamaan ng Burkitt Lymphoma ang kanilang anak.

Matapos itong magdiwang ng kanyang ikaapat na kaarawan ay napag-alaman ng mga doktor ang nasabing sakit na dumapo sa bata, ngunit makalipas ang apat na buwan ng pagpapagamot at chemotherapy ay humina ang nasabing karamdaman ni Santiago.

Dahil dito ay napatunog na ni Santiago ang bell sa Nicklaus Children’s Hospital, na hudyat ng kanyang paggaling at paghinto na ng therapy.

Mike optimistiko sa Para Games

Jaylen workout sa ilalim ng tubig

Carcedo inupakan Asia Pacific crown

“He was and continues to be so brave,” ayon sa post ni Mrs. Spoelstra. “So many friends and loved ones made sure that none of us did,” dagdag pa nito.

“My family and I are incredibly grateful to his pediatricians, the surgeons, the doctors, the nurses, the whole Child Life Team, and all of the staff at Nicklaus who took care of our boy… but also, our family,” ayon pa rin sa asawa ng Filipino-American na si Spoelstra.

“One day, I want to open up about this more and create a necessary and meaningful dialogue around the subject of childhood cancer and what it has meant to me to be a parent in this situation. For now, I am simply grateful.”

Matatandaan na hindi nakadalo ng laro ng Miami Heat kontra Brooklyn Nets si Spoelstra noong Marso, dahilan sa medical procedure para sa isa sa kanyang dalawang anak. (Annie Abad)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!