Kinabukasan Balita

Anak ng World Balance owner tinutugis sa drug smuggling

Pinaaresto ng Manila court ang negosyante sa likod ng kontrobersiyal na Lyka app at Bren Esports kaugnay sa umano’y pagkakasangkot nito sa smuggling ng P1.87 bilyong halaga ng shabu sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) International Operations Division Chief Joey Moran ikinasa na ang manhunt operation laban kay Bernard Lu Chong na anak ng may-ari ng World Balance.

Umapela rin ang NBI exec sa negosyante na sumuko na sa mga awtoridad at harapin ang kasong isinampa laban dito.

“Drug smuggling is a very serious case and is an unbailable offense. The NBI is mandated to track down and arrest fugitives regardless of their status. As long as you have a warrant of arrest, you become a subject of a manhunt.
However, Mr. Lu Chong can spare everyone the trouble if he surrenders and face the charges against him,” ayon kay Moran .
Si Lu Chong ay nahaharap sa umano’y paglabag sa Section 4, Article 2 of Republic Act 9165 o importation ng illegal drugs na isang non-bailable offense.

Nauna nang nagpalabas ang Manila Regional Trial Court Branch 13 ng arrest warrant kay Lu Chong noong June 2, 2021. Umapela ang kampo nito sa desisyon subalit binutata noong April 29 dahilan para ipatupad ang warrant laban dito. Huli nitong address ay sa Libis, Quezon City.

Nabatid na nadiskubre ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs at Philippine Coast Guard ang tangklang pag-smuggle ng 276.3 kilo ng of shabu noong May 31, 2019 sa MICP Container Freight Station 3 (MICP-CFS3).

Nakasilid umano ang mga pakete ng shabu sa plastic resins na may takip ng import documents upang hindi mabuko.
Nakaladkad si Lu Chong sa tangkang smuggling dahil sa koneksiyon umano nito sa Fortuneyield Cargo Services Corporation, ang assigned consignee ng illegal drug shipment.

Binatilyo pisak sa mixer truck, 3 sugatan

3 huli sa P300K tsongke

Nataranta kay Regine: Donny hindi naitanggi relasyon kay…

Sa 7-pahinang resolusyon na inilabas ng Task Force Anti-Organized Crime Division ng Department of Justice sa pamumuno ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva ay idineklarang may probable cause para sampahan ng drug smuggling si Lu Chong.

Kaladkad din sa kaso ang Chinese national na si Xu Zhi Jian alias Jacky Co, Fe Tamayosa , Alvin Bautista, Jane Abello Castillo, Carlo Dale Sueta, Abraham Torrecampo, Arwin Jay Caparros, Leonard Sucaldito, Mark Leo Magpayo, Brian Pabilona at Francis C.K. Young.

Bago nasamsam ang mga droga ay pinangalanan din si Lu Chong ng BOC na isa sa sangkot sa smuggling ng 105 containers na nagkakahalaga ng P70 million.

Nahaharap ito sa hiwalay na kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Samantala, nilinaw ng CHG Global na humahawak sa lifestyle brand na World Balance na wala itong koneksiyon kay Lu Chong.

Ayon kay Barnaby Chong, president at chief executive officer ng CHG Global, kapatid nito si Bernard subalit wala na itong kinalaman sa pagpapatakbo ng kompanya.

“Bren Chong is my brother, but he is not in any way involved in the running of the CHG Global Inc., World Balance, or any of the other businesses of the corporation, and has long decided to pursue his own interests,” pahayag ni Barnaby sa ulat ng Bilyonaryo online news.

“Bren Chong is neither a shareholder nor an officer of the corporation, which is a matter of public record,” dagdag ni Barnaby .

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!