Kinabukasan Balita

Alex Diaz umatras makipag-date sa beki

Nag-back out na si Alex Diaz sa pagiging queer sa reality series na Hello, Searcher.

Sa naturang reality show, si Alex ay maghahanap ng kanyang makaka-date sa ilang mga contestant na papasa sa iba’t ibang level ng BL (Boy’s Love) dating game show.

In-announce ng management ng aktor na Cornerstone Entertainment ang hindi na pagtuloy ng kanilang talent sa naturang reality series.

“With much regret, we officially announce that Alex Diaz will no longer continue with Hello Searcher project as he needs to address some personal matters. CS Entertainment and Black Sheep share the same respect and support with the artist’s decision and wishing Alex the best of everything in his future undertakings and endeavors,” ayon pa sa official statement.

Garrett Bolden bibida sa ‘Miss Saigon’

Kwentong droga nina John Lloyd, Lav pasok sa Venice

Pumabor kay PBBM: Bianca tinawag na traydor, balimbing ng…

In-upload din ng bisexual actor ang statement sa kanyang Instagram page at may caption na: “Excited for the success of this project and will be cheering from the sidelines!”

Noong nakaraang buwan lang nang i-announce na si Alex ang magiging searcher sa Hello, Searcher at na-excite pa nga siya sa possibility na matatagpuan na niya ang “the one”.

Si Alex ay bida sa ‘Pathirsty’ movie na mapapanood sa Vivamax. (Ruel Mendoza)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!