Kinabukasan Balita

Alert level sa Taal ‘di pa kailangang itaas – Phivolcs

Walang pang sapat na batayan para muling muling itaas ang alerto sa Taal Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ipinaliwanag ng ahensiya na muling tumaas sa 12,125 toneleda ng sulfur dioxide ang inilabas ng bulkan sa nakalipas na 24 oras kumpara sa naitalang 1,289 hanggang 4,952 tonelada kada araw simula noong Hulyo 11 kung kailan ibinaba sa alert level 1 mula sa alert level 2 ang babala sa paligid ng nasabing bulkan dahil sa pagbaba ng mga aktibidad nito.

Speedy trial sa Ateneo shooting hinirit ng pamilya Furigay

33 toneladang ebak ng manok sumabog

Barko na may kargang droga yari sa PNP

Gayunman, mababa naman anila ang naitalang siyam na pagyanig na tumagal ng walo hanggang 12 minuto sa paligid nito kaya wala pang basehan para itaas ang alerto sa bulkan.

Samantala, pinayuhan ng Phivolcs ang mga residente sa mga bayan ng Laurel, Banyaga at Agoncillo na magsuot ng face mask dahil sa pagtagas ng sulfur stench sa Taal Caldera. Acidic anila ang fog mula sa sulfur dioxide at maaari itong madgulot ng iritasyon sa mata, lalamunan at respiratory tract. (Tina Mendoza)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!