Kinabukasan Balita

Alden nagsumamo ng ‘dugo’

Madalang humingi ng pabor si Alden Richards sa kanyang mga fan. Kung meron man, lagi na ay tungkol lang sa mga proyekto niya na suportahan.

Pero ngayon, hindi nagdalawang isip si Alden na magsumamo ng ‘dugo’ sa kanyang mga fan.

“Dear Friends: We are looking for an O positive blood donor for my grandpa. He is in the Southern Luzon area.

“We are also open to donors within Metro Manila. Maraming salamat po,” pakiusap ni Alden sa mga fan.

Agad namang nag-react ang mga fan ni Alden, na karamihan din ay nanawagan, at nagdasal para sa paggaling ng lolo niya.

Arron Villaflor atras sa frontal nudity

Kalat sa socmed: Arjo nag-propose na raw kay Maine sa…

‘Maid in Malacanang’ ipalalabas sa Tate

‘Susunugin ko bahay mo’ Aljur binantaan ng ate ni AJ Raval

Viva artist na si Arron Villaflor, kaya asahan na ang tambak, sunod-sunod na pelikula niya sa Vivamax. Sobrang happy nga niya na sa bagong hakbang na ito sa career niya.

“Masaya ako kasi ang Viva, lahat ng project nila, pinag-iisipan talaga nila. So kung ano sa tingin nila na magpi-fit sa akin, okey lang.”

Pero ngayon, ang seryeng ‘Wag Agawin Ang Akin’ ng Vivamax muna ang patikim niya, na kung saan ay napasabak na rin siya sa matitinding lampungan kina Jamila Obispo, Angeli Khang.

“Hindi ako naglagay ng limitations. Kung kailangan sa story na maghubad, okey lang. Nagawa ko na `yon sa ‘Mamu’ so puwede naman,” sabi ni Arron.

Pero, sa tanong kung kaya na rin niyang gawin ang ginawa ng ibang Vivamax male star, na nagpakita na ng kanilang mga nota sa harap na kamera, heto ang sagot niya.

“Frontal? Parang hindi ko pa kaya! Puwedeng butt exposure muna. Frontal, hindi pa. Hahaha!” sabi ni Arron.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!