Kinabukasan Balita

Aksyon agad

Noong nakaraang linggo ay lumutang ang mga balita na may nagaganap na pang-aabuso laban sa mga estudyante sa Philippine High School for the Arts (PHSA). Humingi ng tulong ang Child Rights Network sa tanggapan ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Inday Sara Duterte para mapaimbestigahan ang mga alegasyon laban sa paaralan.

Agad na rumesponde si VP Inday Sara at hiniling sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan at asikasuhin agad ang tungkol sa kasong ito ng pangmomolestiya diumano sa mga nag-aaral sa PHSA. Sa may Mt. Makiling sa Los Baños, Laguna ang campus ng PHSA, isang pampublikong boarding school para sa mga national arts scholars.

ASAP ang “comprehensive report” na hiningi ni VP Inday Sara sa NBI. Nagpadala na rin ang DepEd ng mga team mula sa Child Protection Unit at Child Rights Education Desk nito para makita kung gaano katotoo ang mga alegasyon laban sa mga diumano ay sangkot sa pang-aabuso sa PHSA.

Makikita natin sa mabilis na aksyon ni VP Inday Sara sa sitwasyong ito kung paano ang kanyang gagawing pamamahala sa DepEd.

Mabilis siyang kumilos pero hindi nagpatawag ng press conference, o nagpa-photo op para ipakitang nagtatrabaho siya.

Tahimik lang siyang umaksyon. Si Undersecretary Epimaco Densing III pa ang nagpahayag na kumikilos na ang DepEd para matugunan ang problema sa PHSA.

Ang ‘bodabil’ ng SONA

Bagong Kongreso

Literacy at numeracy sa K to 3 kailangang tutukan

“Under the strong leadership of Secretary Sara Duterte, DepEd will continuously promote a healthy and safe environment for our learners and teachers,” ayon pa sa pahayag ng DepEd.

Dating mayor ng Davao City si Inday Sara. Dahil hasa na siya sa pamamahala sa local government, alam niya na hindi lahat ng problema ay mabibigyang LUNAS ng kanyang tanggapan. Alam din ni VP Inday Sara na mas may kapabilidad ang NBI na imbestigahan ng maayos at komprehensibo ang mga seryoso at nakakabahalang alegasyon laban sa PHSA.

Wala rin sa ugali ng ating Bise Presidente na mag-ingay pa para lang maaksyunan ang mga problema dahil batid niyang mas mabilis na magagawa ang trabaho kung tahimik na kikilos.

Agad namang rumesponde ang Department of Justice (DOJ) na siyang nangangasiwa sa NBI sa hiling ni Inday Sara. Ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, pinag-utos na niya sa NBI na bigyang prayoridad ang request ng Bise Presidente.

Habang sinusulat natin ang kolum na ito, wala pang sagot ang PHSA sa isyu pero nauna rito ay sinabi na ng management ng paaralan na “unfair” daw ang paglalarawan sa PHSA bilang isang lugar kung saan hinahayaan ang pang-aabuso sa mga estudyante.

Sa ilalim ng pamamahala ng Bise Presidente sa DepEd, tayo ay umaasa na lalabas na ang buong katotohanan sa likod ng mga nangyayari sa PHSA. Sa tahimik pero mabilis na pag-aksyon ni VP Inday Sara, tiwala tayo na sa bawat problema na ihahain sa DepEd ay may maasahang LUNAS.

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!