Kinabukasan Balita

Adebayo ayaw itapon ng Heat

WALANG balak ang Miami Heat na ipamigay si Bam Adebayo sa Brooklyn Nets para makuha si Kevin Durant.

Halos isang buwan na ang nakakaraan nang humingi ng trade si Durant.

Bukod sa Heat, nagpaparamdam daw sa Nets ang Phoenix Suns, Toronto Raptors at Boston Celtics.

Maliban sa ayaw bitawan si Adebayo, hindi rin siya puwedeng i-trade dahil magiging dalawa na sila ni Ben Simmons na nasa ilalim ng designated rookie contract extension sa Brooklyn.

Hindi puwedeng magkaroon ng ganitong uri ng contract sa isang team maliban kung sila ang nag-draft sa isang player.

Gilas sesentro kay Clarkson

Tenorio, Gin Kings tigok ‘pag kumurap

Draymond hihirit ng max contract

‘Disinclined’ – ayaw – daw ng Heat na ipain si Adebayo, ayon kina Barry Jackson at Anthony Chiang ng Miami Herald.

Malaki ang hinihinging kapalit ng Nets para kay KD.

Pero kung hindi puwede si Adebayo at gusto talaga ng Miami – na sasang-ayunan ng Brooklyn – ay puwedeng mag-offer ang Heat ng package na kabibilangan nina Tyler Herro, Duncan Robinson at Kyle Lowry.

Dadagdagan pa nila ‘yun ng future picks, hinahanap ng Nets ay first-rounders. (Vladi Eduarte)

Kaugnay na Balita

Mainit na Balita

error: Content is protected !!